Maine, Baeby Baste may bonggang pasabog sa muling pagbubukas ng ‘COD’ sa Cubao, QC

MAINE MENDOZA AT BAEBY BASTE

HINDI pa ipinapanganak si Maine Mendoza nang sumikat sa Cubao, Araneta Center ang Christmas display ng unang department sa Araneta Center, ang COD Department Store nu’ng panahon na hindi pa uso ang salitang mall.

Sa Avenida Rizal o Rizal Avenue ngayon ang unang branch ng store. Doon unang nakilala ang nasabing display tuwing holiday season.

Puntahan din ‘yon ng mga tao pero nang dalhin ito sa Cubao noong 1966 ay agad itong pumatok sa publiko at tumagal hanggang 1990s.

Display ito ng makukulay na ilaw na sinamahan ng Christmas songs na may kuwento. May oras ang simula ng display na kadalasan ay inaabot hangang alas dose nang gabi gaya ng movie screenings.

Bukas, Biyernes, bubuhayin ng management ang Christmas tradition sa COD Christmas launch.

Siyempre, with new touch and flavour dahil mas updated na ang klase ng pailaw ngayon.

Si Meng ang inimbita ng Araneta Center upang maging bahagi ng selebrasyon kung saan makakasama rin niya si Baeby Baste. Alas singko nang hapon ang simula ng program at free admission ito.

So iwas-iwas sa bandang Times Square Food Park na location ng event nang hindi sumakit ang ulo ninyo sa traffic, huh!

Sa Sabado naman, may show ang Phenomenal Star sa isang mall sa south para sa “Jak Em Popoy” festival movie niya with Vic Sotto and Coco Martin.

Read more...