Anak ni Tirso na may lymphatic cancer pumanaw na sa edad 37

TIRSO CRUZ III

SUMAKABILANG-BUHAY na ang anak nina Tirso Cruz III at Lyn Ynchausti na si Teejay Cruz kaninang madaling araw dahil sa lymphatic cancer. Si Teejay, (Tristan Jedidiah Cruz sa tunay na buhay) ay 37 years old.

Ito ang ibinalita ni Lolit Solit sa kanyang Instagram account, aniya, “Na-sad naman ako sa news sa anak nila Tirso Cruz III at Lyn na si TJ. Sabi ni Dolor, lymphatic cancer daw at kanina lang daw madaling araw bumigay ang panganay nila.

“Nakaka-sad talaga na iyon anak mo mauna sa iyo na kunin ni God. Ang bait-bait pa naman ng mga anak nila Tirso, sina Bodjie at Janine. Si TJ hindi pumasok ng showbiz. At in fairness ha, pag naghahanap kami ng tulong sa ospital siya ang nilalapitan namin.

“Tulad nila Tirso at Lyn ang mga anak nila, very friendly at magalang. Sana ma-overcome nila ang sadness na ito. We pray that God will welcome TJ, sana forever his memories, his happy ones will always be remembered. We pray for you TJ. We pray for Tirso and Lyn, for the Cruz family, we honor your sadness, we will always be praying for you. #lolitkulit#instatalk #71naako.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pa kaming nakuhang detalye kung saan ibuburol ang labi ni TJ. Mula sa BANDERA ang aming taos-pusong pakikiramay sa pamilya Cruz.

Read more...