GRABE ang pila ng mga 10-wheeler truck na naghahakot ng graba at buhangin sa General Luna sa San Mateo, Rizal kapag gabi.
At nagsasabay-sabay ang paglabas ng mga ito kaya trapik sa General Luna st., lalo na sa Brgy. Guitnang Bayan na umaabot at lumalagpas pa minsan sa kanto ng Patiis Road.
Dumadagdag pa sa pagbigat ng daloy ng trapiko ang mga trak na ipinaparada sa gilid ng kalsada habang ang mga driver at pahinante nito ay kumakain sa iba’t ibang karinderia na nasa gilid ng kalsada.
Hindi alam ng mga taga-San Mateo kung sila ay matutuwa o malulungkot. Bakit?
Matutuwa dahil kapag maraming trak na naghahakot ng graba at buhangin ay nangangahulugan na mayroong mga nagtatrabaho. May mga nagagawang proyekto at kasama na dito ang Build, Build, Build ni Pangulong Duterte.
Sa kabilang banda, nabubuwisit sila dahil ang trapik-trapik. Minsan ay ang lapit-lapit na ng pupuntahan mo hindi mo pa marating lalo na kung may nakabalagbag na trak sa Patiis Rd., na gustong pumasok sa Gen. Luna street.
Ang tigas din naman ng face ng isang kupas na aktor.
Pumunta itong laos na aktor sa isang outlet store sa North Luzon Expressway kasama ang isang girl na buntis. Hindi alam ng ating bubwit kung asawa nya ba ito o live-in partner o wala lang.
Matapos mamili ng bibilhin ay pumila na sila sa cashier. Nag-abot ng card ang aktor sa kahera.
Itong kahera ay humingi ng identification card na bahagi ng kanilang proseso kapag lagpas sa P5k ang babayaran gamit ang card.
Nagalit itong si aktor at pahagis na ibinigay ang kanyang ID. Parang nagalit itong si aktor.
Isang tao sa counter ang nagsabi na hindi na pala kailangan ng ID dahil debit card ang gagamitin ng aktor at hindi credit card.
Parang ang bilis ng karma. Tatlong beses sinubukan ang debit card ng aktor pero hindi pumapasok ang transaction. Hindi ko alam kung wala bang laman ang account o kulang ang laman ng account.
Parang napahiya ang aktor nang hindi tanggapin ang kanyang card kaya no choice kundi ang maglabas siya ng cash.
Hindi rin nagustuhan ng ilang kustomer sa lugar ang paghagis ng aktor ng ilang paninda sa display rack ng kilalang bilihan ng sapatos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.