‘Sakal’ photo nina Solenn at Dingdong nakaka-offend daw


ISANG  netizen ang umalma sa Instagram post ni Solenn Heussaff. Ito ‘yung litrato nila ni Dingdong Dantes na kuha sa isang eksena nila sa Cain At Abel kung saan sinasakal siya ng aktor.

Kasunod nito ay larawan ipinost naman niya ang photo nila ng asawang si Nico Bolzico kasama si Dingdong na kuha naman sa katatapos lang na “Color Run Hero 2018.”

Nilagyan ito ni Solenn ng caption na, “Spot the difference. (swipe) #CainAtAbel starts tonight! Eeek! (act vs reality. Dont try this at home).”

Isang IG follower ng Kapuso actress ang na-offend sa post ni Soleen at nagkomento ng, “This looks like you’re glamorizing violence against women (sob emoji).”

Pinabulaanan naman agad ito ng aktres at sinagot ang netien ng, “No, of course not.”

Read more...