Wendell Ramos, Jo Berry nagpapakilig sa ‘Onanay’


IN fairness, maraming kinilig sa mga nakaraang eksena nina Jo Berry at Wendell Ramos sa inaabangang Kapuso primetime series na Onanay.

Sa isang episode ng serye, nagkaroon ng masinsinang pag-uusap sina Onay (Jo) at Lucas (Wendell) at dito nga ipinakita na unti-unti nang nahuhulog ang damdamin ng nanay ni Maila (Mikee Quintos) sa lalaking may kinalaman sa kanyang nakaraan.

Nakikita raw kasi ni Onay ang dating asawang si Elvin (Adrian Alandy) sa katauhan ni Lucas. Dahil nga sa kabaitan ni Lucas, tuluyan na kayang mahulog ang loob ni Onay sa kanya?

Samantala, patuloy ding nagpapakilig sa mga manonood ang tambalan nina Mikee at Enrico Cuenca sa Onanay na gumaganap nga bilang magkasintahang sina Maila at Oliver.

Pero ang isa pang dapat abangan ng televiewers ay ang muling paghaharap nina Maila at Natalie (Kate Valdez) matapos ngang bastusin ng huli si Onay at magpakalat ng kung anu-anong tsismis tungkol dito at kay Lucas.

Read more...