#CainAtAbel No. 1 sa trending topic sa Twitter PH

DINGDONG DANTES AT DENNIS TRILLO

IMPRESSIVE  ang pilot episode last Monday ng Kapuso primetime series na Cain At Abel.

Kaya hindi kataka-takang naging masipag ang mga tumutok na netizens sa pag-tweet ng hashtag na #CainAtAbel na pumasok sa number one spot sa trending topics sa PH.

Maganda ang editing sa eksenang magkaiba na ang estado ng buhay ng bidang sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo. Nagda-drive ng mamahaling sports car si Dong habang tinutugis naman ng mga barangay tanod ang kawatang si Dennis.

Pati nga dramatic scenes ay panalo, huh! Magagaling ang mga batang gumanap bilang Dingdong at Dennis. ‘Yung eksenang nagkalayo sila habang pinag-aagawan ng kanilang mga magulang (Rafael Rosell at Yasmien Kurdi) eh, nakakaantig ng puso.

Kaya naman ang mga netizens, puring-puri ang galing ni Yasmien kahit guest lang siya sa series.

Read more...