Gelli epektibong ‘impakta’ sa Ika-5 Utos ng GMA 7: Sarap ingudngod sa inidoro!


PATULOY pa ring tinutukan ng mga manonood ang afternoon series ng GMA na Ika-5 Utos, lalo na ngayong abot-langit na ang galit at inggit sa isa’t isa ng tatlong dating magkakaibigan.

Puring-puri nga ng netizens ang akting nina Gelli de Belen, Jean Garcia at Valerie Concepcion sa programa, lalo na kapag may mga bago silang pasabog na tarayan at bugbugan.

Tulad na lang nitong nakaraang episode, kung saan pinuntahan na ni Kelly (Gelli) ang dating BFF na si Clarisse (Valerie Concepcion) para sabihin dito ang pagbubuntis ni Eloisa (Jean).

Dahil dito, mag-iisip ng paraan si Clarisse upang mawala ang sanggol sa sinapupunan ni Eloisa. Gagawin niya ang lahat para hindi mabuhay ang anak ng kanyang asawang si Emil (Tonton Guttierez) sa babaeng kinamumuhian niya. At kailangang magtagumpay siya sa kanyang masamang balak bago pa bumalik ang alaala ni Emil.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Ika-5 Utos, nakasentro na ang kuwento kay Kelly kaya naman bawat eksena ni Gelli ay pinupuri ng netizens. Sa kanyang Instagram account, araw-araw ang pagbati na natatanggap niya from her followers. Narito ang ilan sa kanilang mga comments.

Sey ni @nadiacas325, “Hope mabigyan focus ang story ng Manupils. So much lesson on wrong kind of mothering and love here.”

Chika naman ni @carlotanicolasgo, “Sana nga focus din sa Manupil family. Congrats Ms. @gellidebelen.”
“@gmadrama more ng team Manupil good storyline at aral sa pamilya,” sey ni @sonia_dab.

“Really wish mabigyan ng importance ang role ninyo ni Carlo (Jake Vargas). Magandang kwento na may aral,” komento ni @analikawi.

Komento naman ng isa pang netizen, “Lumabas na talaga ang pagkamaldita ni Gelli. Bagay din pala sa kanya ang kontrabida role, nakakainis siya sa Ika-5 Utos, sarap sampal-sampalin at isubsob ang mukha sa inidoro!”

Patuloy na subaybayan ang laging trending na Ika-5 Utos sa GMA Afternoon Prime after Asawa Ko, Karibal Ko.

Read more...