KINUHANG guest director ng isang teleserye ang dating director ng FPJ’s Ang Probinsyano na si Toto Natividad.
Ayun, lait ang inabot ng GMA7 for doing so. Ang tingin kasi nila ay sobrang desperate ang mga taga-Siyete dahil pinakakain ng alikabok ang anumang itapat nila sa show ni Coco Martin, the last of which was Victor Magtanggol na nagtapos lang after one season.
“Kahit anong gawin nyong mga taga GMA at kahit kumuha pa kayo ng direktor ng Probinsyano bilang guest director wala pa rin yan, flop na flop pa rin yan? Mahilig kayo kasi sa self proclaim #1 kuno at wala kayong masabi na puro ratings and rating ang alam nyo?”
“Maski anong gawin nyo, kahit manulot pa kayo direktor talo pa rin kayo.”
“Solid Probinsyano kami No! Talaga! Top RATING UNDISPUTED TV PROGRAM in the Philippines ang PROBINSYANO.”
“Kahit anong galing ng director kung waley ang mga aktingan nga nga pa din kanguso! Wawa.”
“Kinuha si Direk papaturo on how to be Number 1.”