Sikat na beking celebrity walang sinisino kapag in love, naka-3 points sa bagong bf


NAHAHATI na ngayon sa dalawa ang mundo ng isang sikat na becki personality.

Siya ang literal na puwedeng ipakilala bilang personalidad na pang-artista na, pang-sports pa, dahil sa iniikutan ng kanyang buhay ngayon.

Kilalang-kilala ng kanyang mga kaibigan ang sikat na becki personality, kahit sino pa ang kumontra sa kanyang lovelife ay wala siyang pakialam, basta maligaya siya.

Kuwento ng aming source, “Wala nang kumukuwestiyon sa bago niyang pag-ibig, alam naman kasi ng mga friends niya na wala na silang magagawa. Kilalang-kilala na nila ang becki sa pagiging matigas pagdating sa happiness niya.

“Kahit sino pa ang kumontra sa kanya, e, deadma lang siya, pero kapag siya na mismo ang nakaramdam na niloloko lang siya ng guy, wala nang usapan, tapos na ang boksing!” simulang chika ng aming impormante.

Hindi nga ipinauubaya ng sikat na komedyante ang kanyang kaligayahan sa ibang tao. Hindi siya sulsulin, hindi siya nakukuha sa mga bulong, siya mismo ang nagdedesisyon kung kanino siya magiging maligaya.

“Ganu’n siya. Kahit buong mundo na ang nagpapayo sa kanya na lumayo sa guy, e, hindi niya ‘yun pinakikinggan. Puso niya ang panalo, hindi siya nakukuha sa mga sulsol.

“Pero, ito ang pinakamalaking pero, kapag siya na mismo ang nakakahalata na may ginagawang kamalasaduhan ang lalaki, e, siya na mismo ang lumalayo. Walang kailangang magpayo sa kanya, siya mismo ang gumagawa ng paraang putulin na ang relasyon nila.

“Kaya niyang magpakaluka-luka, totoo ‘yun, pero hanggang gusto lang niya! Madisiplina siya, alam niya kung ano ang position niya. Malakas din ang pakiramdam niya.

“Alam na alam niya kung ginagamit na lang siya ng guy, kung pineperahan na lang siya, walang kailangang magsabi sa kanya. Magugulat na lang ang mga friends niya, tapos na pala sila ng lalaki,” dagdag na chika pa ng aming source.

Proud na proud ang sikat na becki ngayon dahil ipinagmamalaki siya ng kanyang bagong love sa mga kaibigan nito. Palagi silang nagkikita-kita, hindi siya ikinahihiya ng lalaki, na ikinaliligaya naman siyempre ng becki.

Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi ba naman naka-three points talaga ang bagong love ng sikat na becking itey?

Read more...