Thea baklang-bakla sa Asawa Ko, Karibal Ko; Kris ayaw magpatalbog sa aktingan


PATINDI na nang patindi ang mga kaganapan sa GMA Afternoon series na Asawa Ko, Karibal Ko na pinagbibidahan nina Kris Bernal, Thea Tolentino at Rayver Cruz.

Muntik nang mabuking ni Venus (Thea) ang pagkikita nina Rachel (Kris) at Gavin (Rayver) sa isang restaurant pero dahil nga sa pakikipagsabunutan nito sa isang beki na nakabanggaan niya, hindi na niya inabutan ang mga ito.

Hindi pa rin kasi sumusuko si Venus at patuloy na pinipilit ang sarili kay Gavin. Umaasa siya na maibabalik pa nila ang nakaraan. Gagamitin din niya ang anak para bumalik si Gavin.

Pero ano nga kaya ang mararamdaman ni Venus kapag nalaman niyang ang asawa niyang si Rachel ang kayang karibal sa lalaking gustung-gusto niyang maangkin? Magparaya kaya siya sa dating asawa o gagawin pa rin ang lahat para agawin si Gavin?

In fairness, talagang labanan ng akting ang ipinapakita nina Kris at Thea sa mga manonood sa bawat episode ng Asawa Ko, Karibal Ko. Kanya-kanya silang pasabog sa kanilang mga eksena, lalo na si Thea na kamakailan nga ay pinuri ng mga viewers sa confrontation scene nila ng veteran actress na si Alma Moreno na gumaganap na nanay ni Rayver sa kuwento.

Baklang-bakla rin daw ang peg ni Thea dahil sa pagiging baliw sa lalaki kaya naman pati ang mga beki ay bilib na bilib sa kanya. Patuloy na tutukan ang Asawa Ko, Karibal ko pagkatapos ng Eat Bulaga.

Read more...