MALALAGAY sa alanganin si Buchoy (Raver Eda) at nasa kamay ni Bren (Migo Adecer) ang kanyang kaligtasan ngayong Linggo sa inaabangang first Filipino anime series sa bansa na Barangay 143.
Hindi inaasahang liliyab ang tinirahang bahay ni Buchoy kasama ang ama. Ano kaya ang gagawin ni Bren para matulungan ang bagong kaibigan?
Bago iyan, patuloy naman sa pagsuyo si Coach B (John Arcilla) kay Bren na sumali sa Puzakals matapos makumpirma na siya nga ang Korean basketball star na napanood niya na maglaro noon. Mapapayag niya na kaya si Bren? O tuluyan na bang iiwan ni Bren ang basketball?
Pakatutukan ang first Filipino anime series na Barangay 143, tuwing Linggo, 10 a.m. sa GMA.
Tuloy ang viewing experience online dahil mapapanood ang “Barangay 143 Game Na” live sa Facebook, 10:30 a.m., na may pre-show ng 9:45 a.m. sa parehong araw.
Para sa updates, i-like lang ang www.facebook.com/brgy143, i-follow ang @brgy143 sa Instagram at Twitter, at mag-subscribe sa www.youtube.com/brgy143.