4 patay sa salpukan ng bus at tricycle sa Zambales

PATAY ang apat na miyembro ng isang pamilya matapos bumangga ang isang bus sa isang tricycle sa Sta. Cruz, Zambales ganap na alas-10 kagabi.

Sinabi ng pulisya na lumipat ng linya ang tricycle na nasa soutbound lane para iwasan ang isang nawalan ng kontrol na motorsiklo, nang bumangga sa isang Victory Liner bus na nasa northbound lante sa Barangay Lipay.

Dead on the spot ang driver ng tricycle na si Tilyong Arbizo at kanyang misis na Michelle, samantalang nasawi naman ang
kanilang dalawang anak na sina Daniel Arbizo, 8 at Mikoy Arbizo, 4 habang dinadala sa ospital.

Sugatan naman ang tatlong iba pang mga batang sakay din ng tricycle. Hindin naman sinabi ng mga imbestigador kung kaano-ano ng mga nasawi ang iba pang sakay ng tricycle.

Pawang residente ang mga biktima ng Barangay Lucapon South sa Sta. Cruz, Zambales.

Read more...