Horoscope, November 19, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Tuloy ang suwerte, basta’t sumunod ka lang sa tinitibok ng iyong dibdib. Sa pag-ibig, tuloy ang malamig na romansa, ngunit muling mag-iinit ang relasyon habang lumalapit ang kapaskuhan. Sa pinansyal may malaking halaga ng salapi na biglang darating. Mapalad ang 4, 11, 29, 38, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Kali-Homa-Japa-Om.” Red at yellow ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)— Maging maingat sa paglalabas ng pera, may babala na maloko ka na naman. Sa pag-ibig, ituon ang pansin sa kasuyong Sagittarius upang lalong uminit ang pagmamahalan. Mapalad ang 6, 15, 24, 31, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum Suryaye Maneh.” Pink at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Wag panghinaan ng loob. Kung magiging buo ang loob, maraming pagkakakitaan ang kusang darating sa buwang ito ng Nobyembre hanggang Disyembre. Sa pag-ibig, lakas din ng loob ang susi upang ikaw ay lumigaya. Mapalad ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Raga-Kashta-Kashta-Om.” Gray at beige ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Panatiliin ang ugaling optimista. Sa negosyo, sa nega-tibong isipan maraming oportunidad ng pagkakaperahan ang mawawala. Sa pag-ibig, kung lagi kang nag-iisip ng hindi maganda, paano makakasumpong ng ligaya? Mapalad ang 3, 9, 30, 33, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at red ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Nasa sariling pagsisikap ang iyong ikauunlad. Wag umasa sa iyong mga kadugo at kamag-anak. Dumiskarte ka ng sarili mo. Sa pag-ibig, ang pagtatampo ng kasuyo ay lilipas din. Mapalad ang 8, 16, 25, 29, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Amara-Ananda-Marga.” Lilac at purple ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Anuman ang nangyayari, kumalmante ka lang. Wag guluhin ang iyong isip sa problema ng ibang tao. Sa pag-ibig, kapag payapa ang buhay, mas masarap na romansa ang mararanasan at kapag naging masarap ang romansa, mas mara-ming salapi ang darating. Mapalad ang 7, 16, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rama-Om,” Orange at white ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Habang sagana ang buhay matutong mag-impok. Ang pag-iipon ang tiyak na landas ng magandang kinabukasan. Sa pag-ibig, magpatago ng pera sa minamahal. Mapalad ang 7, 17, 25, 38, 43 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Crede-Quod-Habes-Om.” Green at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Higit na mas magiging masaya ang kapaskuhan kung magsasama-sama ang pamilya, kahit na sa isang simpleng bakasyon lang sa malayong lugar. At mentras buo at masaya ang pamilya maraming magagandang kapalaran at su-werte ang darating. Mapalad ang 2, 13, 25, 31, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Posse-Vindentur-Aum.” Red at yellow ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Magtatagumpay ang anomang binabalak kung isa sa isantabi muna ang emosyon. Isiping lagi, “pera-pera lang ang labanan!” Sa pag-ibig, kailangang makaisip ng paraan, upang makatulong ang kasuyo sa mga gawaing may kaugnayan sa pagpapayaman. Mapalad ang 7, 18, 23, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omni-Pad-Me-Om.” Beige at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag ilihim ang lungkot na nadarama. Ang negatibong damdamin ay magdudulot ng pagkalugi. Sa pag-ibig, panahon na upang ibahagi sa minamahal ang mabibigat na mga problema. Mapalad ang 4, 10, 15, 27, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Blue at maroon ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Umiwas sa gawaing hindi naman mapagkakaperahan. Mag-concentrate sa pag-iipon ng salapi para sa future ng pamilya. Sa pag-ibig, pahalagahan ang pagsisikap na ginagawa ng kasuyo, yayain siya kumain sa isang mamahaling restaurant. Mapalad ang 5, 17, 29, 35, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.” Green at lilac ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Kung magpapaganda kang muli, mas maraming kliyente ang maaakit. Sa pag-ibig, kung maliligo ng dalawang beses sa isang araw, matutukso na naman ang kasuyo na ikaw ay romansahin. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sucti-Suras-Sucti-Om.” Orange at black ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Kulang ka sa konsentrasyon. Hindi dapat pagsabay-sabayin ang negosyong naiisip, ituon lamang ang isipan sa iisang kalakal. Sa pag-ibig, isa-isa lang dapat ang karelasyon, upang higit kang lumigaya. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yamasoda-Om.” Violet at white ang buenas.

Read more...