Maarteng female celeb nagsisigaw pagpasok ng cr, nakakita ng patay na…


NAG-SHOOTING sa isang malayong probinsya ang isang pamosong aktres. Nauna nang dumating ang kanyang mga kasamahang artista. Mga maleta lang ang bitbit ng mga ito.

Nang dumating ang mga alalay ng aktres ay agad na silang nag-spray sa kuwartong titirhan nang ilang araw ng kanilang boss, isang lumang bahay ‘yun na maayos pa naman, dahil masinop na naaalagaan.

Kuwento ng aming source, “Bago dumating ang girl, kailangang malinis at mabango na ang kanyang kuwarto. Inis na inis siya kapag may kakaibang amoy ang lugar kung saan siya nag-i-stay.

“Ang dami-daming nagamit na spray sa room kahit wala namang amoy dahil luma lang ang bahay, pero naiaayos ng owner, kumpleto sa lahat ng pangangailangan ng mga artistang titira du’n,” chika ng aming impormante.

Okey na ang kuwarto, wala nang problema, itinawag ‘yun ng mga alalay ng aktres. Ilang oras pa ay dumating na ang reyna, may nagpapayong pa sa pagbaba niya sa magarbo niyang van, meron siyang mga security.

“Pagpasok niya sa kuwarto, pinagana na agad ni girl ang matalas niyang pang-amoy. Hindi pa pala okey sa kanya ang napakarami nang pang-spray na ginamit ng mga alalay niya.

“Nagpalabas pa siya mula sa kanyang van, ibang scent naman ‘yun, paborito raw niya. So, spray na naman nang spray ang mga PA niya, kesehodang pinapasok na ng amoy ang mga ilong nila at mahilu-hilo na sila!

“Ganu’n siya katindi, talagang ayaw niyang nakakaamoy ng kung anong masangsang, gumagastos talaga siya sa iba’t ibang scent ng pang-spray. Heto na. Pagpasok niya sa CR, e, nagtitili nang sobrang lakas ang girl!

“Akala ng mga PA niya, e, may naninilip sa kanya, dahil ang sigaw niya, e, wagas na wagas, ‘yung parang nahuli siya ng karelasyon niya na nangangaliwa at hinahabol siya para saktan!

“Daaaaaay! Hulaan n’yo kung ano ang dahilan ng kanyang pagtili? Nakakita siya ng isang patay na ipis, patay na ‘yun, ha? Paano pa kaya kung buhay na ipis ang nakita niyang gumagapang.

“Sabi ng isang source sa set, OA daw ang girl na mukhang sosyalin lang naman, pero hindi naman lumaking mayaman! Ipis lang, at patay pa, akala mo na siya ninakawan ng puri niya kung makatili siya?

“Napakasarap niyang hampasin ng bareta, sa totoo lang! Nakatikim lang siya ng buhay na pangyayamanin, nagkaganu’n na siya? Hooooooy!!!!” pagtatapos ng aming chikadorang source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio at idagdag na natin si Idol Lourd de Veyra na araw-araw ding nanghuhula ng ating mga BI, alam na this!

 

Read more...