Dingdong: Hangang-hanga ako sa trabaho ni Dennis!

DINGDONG DANTES AT DENNIS TRILLO

Kailangang paghusayan ni Dennis Trillo ang mga eksena niya kasama si Dingdong Dantes sa upcoming Kapuso series na Cain At Abel na magsisimula na bukas sa GMA Telebabad.

Aminado si Dennis na idolo niya si Dong kahit noon pa, kaya may conscious effort on his part na karirin ang bawat eksena nila ni Dong.

Sabi pa ng GMA Drama King, marami nang nabago kay Dingdong mula nang huli silang nagsama sa Kapuso series na Endless Love noong 2010.

“Ibang level na ang Dingdong Dantes ngayon!” deklara ni Dennis.

Samantala, para naman kay Dingdong dream project para sa kanya ang Cain At Abel, “Alam n’yo noong sinabi sa akin kung ano ang gagawin at sino ang kasama, sobrang natuwa ako.

“Hanga ako sa body of work ni Dennis. Hanga ako sa mga choices niya sa career, sa mga pagganap niya sa role at halos 20 years na kaming magkakilala. Nagsisimula siya sa GMA, ganu’n din ako. Sabi ko, sana balang-araw talaga maging mahaba pa ang samahan namin on-screen,” pahayag ni Dong.

Read more...