Marian: Bilib ako sa anak ko, bata pa lang praktikal na

ZIA DANTES, MARIAN RIVERA AT DINGDONG DANTES

WALANG magarbong selebrasyon si Zia Dantes sa ikaapat niyang kaarawan this month.
Namangha nga si Marian Rivera nang tanungin ang panganay na anak kung gusto ba niyang mag-celebrate ng kanyang birthday.
Ang hiling ng anak niya ay pumasyal sa Tokyo Disneyland.
“At least ang anak ko, bata pa lang praktikal na in fairness,” chika ni Yan nang makausap ng press sa launching ng Kultura Filipino pearls na mismong siya ang nagdisenyo.
“Tinanong ko siya, ‘Sure ka anak? You will dress like a princess!’ ‘No, Mom. I just want to go to Tokyo Disneyland.’ In fairness sa anak ko, ha,” dagdag ni Yan.
Pero kung maraming nae-excite sa second baby nila ni Dingdong Dantes, maging ang anak ay hindi rin maitago ang kasabikan sa paglabas ng magiging kapatid.
“Hinihimas niya ‘yung tiyan ko. Laging sinasabi na, ‘I love you, Baby. Good night, Baby.’ Nakakatuwa ang anak ko,” pahayag pa ni Mrs. Dantes.
Pero sa pakikipag-usap ng press kay Marian, hindi talaga siya mapiga para sabihin ang gender ng bagong baby, huh!
“Sasabihin naman namin naman ‘yon. Never naman kaming nagdamot ni Dong pagdating sa buhay namin,” pakiusap ng GMA Primetime Queen.
Anyway, sa episode ngayong tanghali ng Sunday PinaSaya, isang malaking selebrasyon ang magaganap at isa na rito ang launching ng 2018 GMA Christmas station ID
q q q
Kailangang paghusayan ni Dennis Trillo ang mga eksena niya kasama si Dingdong Dantes sa upcoming Kapuso series na Cain At Abel na magsisimula na bukas sa GMA Telebabad.
Aminado si Dennis na idolo niya si Dong kahit noon pa, kaya may conscious effort on his part na karirin ang bawat eksena nila ni Dong.
Sabi pa ng GMA Drama King, marami nang nabago kay Dingdong mula nang huli silang nagsama sa Kapuso series na Endless Love noong 2010.
“Ibang level na ang Dingdong Dantes ngayon!” deklara ni Dennis.
Samantala, para naman kay Dingdong dream project para sa kanya ang Cain At Abel, “Alam n’yo noong sinabi sa akin kung ano ang gagawin at sino ang kasama, sobrang natuwa ako.
“Hanga ako sa body of work ni Dennis. Hanga ako sa mga choices niya sa career, sa mga pagganap niya sa role at halos 20 years na kaming magkakilala. Nagsisimula siya sa GMA, ganu’n din ako. Sabi ko, sana balang-araw talaga maging mahaba pa ang samahan namin on-screen,” pahayag ni Dong.

Read more...