Antique nilindol

NIYANIG ng magnitude 3.9 lindol ang Antique, kagabi. 

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-11:34 ng gabi.

Ang epicenter nito ay 17 kilometro sa kanluran ng Culasi at may lalim na 10 kilometro.

Nagdulot ito ng Intensity IV paggalaw sa Culasi. Intensity II sa bayan ng Pandan at Intensity I sa Libacao, Aklan.

Read more...