Kim ayaw pang pakasalan si Xian: Wala pa sa isip ko ‘yan


IT is to us kinda baffling why si Kim Chiu ang umamin na magdyowa na sila ni Xian Lim.

Her pag-amin came during her interview with Boy Abunda.

“Grabe, tito Boy. Alam naman ng mga tao. Oo naman, yes,” came Kim’s admission.

Hindi ba dapat si Xian ang umamin? Anyway, Kim shared how sweet Xian is as a lover.
“Kung magpapakita siya ng sweetness doon matutunaw ka talaga. Iba kasi siya magpakita ng surprise,” she mused.

But when asked if napag-uusapan na ang marriage, say ni Kim, “Wala pa, wala pa sa isip ko ‘yun. Hindi ko rin alam. Hindi rin namin pinag-uusapan. Marami kaming priorities. Ngayon naman ang career woman thirty-plus nila iniisip (ang mga bagay na ‘yon).”

And what’s sexy about Xian? “Sa akin? Ano ba ang sexy kay Xian? Mata niya saka ‘yung jawline niya na siya lang ang may jawline na ganoon.”

Read more...