NAKAKATANGGAP na pala ng death threats ang aktor na si Sam Milby dahil sa pagganap niya bilang Ace Corpuz sa Kapamilya series na Halik. Napakagaling naman kasing kontrabida ni Samuel sa serye kaya galit na galit sa kanya ang televiewers.
“Grabe ‘yung ano, the reaction of people. I think people just really can relate to it a lot. And yeah, I have some death threats, though,” sabi ni Sam sa panayam ng ABS-CBN nang mag-renew siya ng kontrata sa Kapamilya Network.
“I just read it. I’m happy about it because ibig sabihin effective, di ba?
“People are just venting out their frustrations about the show, sometimes attacking me as a person, not a character. But yeah, I’m happy that people are affected,” pahayag pa ng aktor.
Sa kabila ng mga natatanggap niyang mga pagbabanta, masaya pa rin si Sam dahil sa mga papuri sa kanya ng mga netizens.
“I’m just really happy about how things are going. It’s an amazing cast, the production also. It’s intense, obviously, but happy kami sa set,” pahayag pa ng aktor.
Komento nga ng isang nakausap namin tungkol sa pagiging kontrabida ni Sam sa Halik, bagay na bagay daw sa binata ang maging villain, mas napaglalaruan daw kasi nito ang karakter at mas effective siya kapag may pagka-gray ang role.
Kasama rin ni Sam sa serye sina Jericho Rosales, Yam Concepcion at Yen Santos.