Universal Records PH sa mga fans ni Maine: Mag-ingat sa modus ng sindikato sa socmed


NAGLABAS ng warning ang Universal Records PH sa Twitter account nito kaugnay ng pre-orders sa upcoming album/single ni Maine Mendoza.

Naalarma ang pamunuan ng UR dahil may naglabasang balita sa social media na ginagawang raket ang hindi pa lumalabas na album ng Phenomenal Star.

“Universal Records Philippines would like to clarify that there have been no official announcements regarding Maine Mendoza’s upcoming sngle/album and related pre-orders.

“Any announcements circulated online pertaining to an album launch or pre-orders for merchandise are false claims and are not official activations by Universal Records.

“Furthermore, Universal Records does not authorize any third parties to sell pre-ordered items or event access of any kind – any transactions are to be made directly and solely with Universal Records.

“We advise supporters to be vigilant on social media regarding such claims, and to only refer to Universal Records social media accounts for any and all official announcements,” nakasaad sa official statement ng UR.

Ang balita, ilalabas ang debut album ni Maine ngayong Disyembre kaya bonggang pangregalo ito ngayong Pasko, huh!

Kaya naman huwag agad-agad maniniwala sa anumang pang-eengganyo ng ilang tao sa social media kaugnay ng album ni Meng para hindi kayo maloko ng sindikato sa internet.

q q q

“Isang malaking selebrasyon ang magaganap ngayong Linggo sa Sunday PinaSaya, isa na rito ang launching ng 2018 GMA Christmas Station ID.

““Gusto lang naming linawin na may malaking selebrasyon ngayong Sunday pero hindi dahil natakot kami. Confident kami na panonoorin at panonoorin kami ng audience.

““Eh, ‘yung ratings, hindi kami bumaba eversince pumasok siya (Regine Velasquez) sa kabilang show. Dalawang Australia episodes talo sila. After ng Australia, iniba nila ang programming. Hindi rin kami natalo.

“Pinakakalat kasi nila na bagong format. So ‘yung anticipation ng tao, sobrang taas. So hindi naman kami puwedeng nganga. So for this Sunday, we wanted to tell all viewers that GMA is the home of quality comedy entertainment!” paliwanag ni Rams David na bahagi ng SPS.

“Walang pagbabagong magaganap sa programa. Tuloy pa rin ang nakakaaliw na comedy sketches, gags kada segment at bonggang production numbers mula sa mahigit 20 hosts ng Kapuso Sunday variety show.

Read more...