‘Kung walang kasalanan si Nicko Falcis, bakit hindi niya harapin sa korte si Kris?’

BIMBY, KRIS AT JOSHUA

SA wakas, may pangalan nang tinutumbok ngayon kapag napag-uusapan ang isyu tungkol sa diumano’y milyones na nawala kay Kris Aquino, si Nicardo Falcis II.

Dignified silence ang pinairal ng kampo ni Kris sa loob nang tatlong buwan, pumutok man ang isyu ay parang multo lang ang kanyang kalaban, dahil wala nga siyang binabanggit na pangalan.

Pero nu’ng isang araw ay pinangalanan na ng aktres-TV host si Nicko, ang sinasabing business partner niya na sinampahan niya ng mga kaso sa iba-ibang siyudad, nagpa-presscon naman ang kapatid nitong si Attorney Jess Falcis na aminadong kasingdaldal nito si Kris.

Hindi na usapin ng kung magkano ang pinagtatalunan ngayon, ke singko o piso lang ang nawala sa kaban ni Kris ay hindi na mahalaga, ang tanong na lang ay kung bakit wala dito sa bansa ang pinagbibintangan niyang nagnakaw sa kanya?

Ilang buwan nang nasa Thailand si Nicko, kailangan daw nitong pangalagaan ang kanyang kaligtasan, dahil ayon kay Attorney Jess ay pinagbantaan itong papatayin ni Kris.

Pero ang opinyon ng husgado ng bayan, kung walang kasalanan si Nicardo Falcis ay kailangang harapin nito si Kris, ganu’n ang parehas na laban.

Read more...