Dennis ‘inaatake’ kapag kaeksena si Dingdong


INAMIN ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo na inaatake pa rin siya ng nerbiyos kapag kaeksena ang Primetime King na si Dingdong Dantes sa bago nilang serye, ang Cain At Abel na mapapanood na simula sa Lunes, Nov. 19.

“Kasi kapag katrabaho mo ang isang tao na tinitingala mo, idolo mo, para sa akin hindi mawawala ‘yung nerbyos. Nandoon na rin ang pressure siyempre, idol ko ‘yun eh,” ani Dennis.

“Pero hindi ko hinahayaan na makaapekto sa akin ‘yun in a negative way. Kahit kinakabahan ako, composed pa rin akong naitatawid ang mga eksenang kailangan naming gawin,” aniya.

Read more...