Coco sa PNP: Pasensya na po, humihingi ako ng paumanhin

COCO MARTIN

HUMBLE that he is, Coco Martin has apologized to Philippine National Police Director General Oscar Albayalde after he complained na policemen were depicted on negative light sa FPJ’s Ang Probinsyano.

“Sabi ko nga, sa simula’t simula ay sila ang gumabay, sumuporta sa amin sa pagbuo ng Probinsyano. Siguro nagkataon lang na hindi nagkaroon ng pag-uusap lalo na ngayon na tumatakbo na ng mahigit tatlong taon na ang Probinsiyano.

“Siyempre, bawa’t character, bawa’t kuwento ay nag-iiba-iba. Siguro nagkataon lang na bumaliktad ang kuwento. Sabi ko nga, mahaba pa ang lalakbayin ng kuwento. Siguro dahil bago ang PNP chief natin, nauunawaan naman namin sila, nauunawaan namin ‘yung nararamdaman (nila) kaya ako na mismo ang humihingi ng paumanhin doon sa nangyayari ngayon at sana magkaroon kami ng pagkakataon na makapag-usap para maayos ang lahat ng ito,” say ni Coco.

Ang daming bumilib sa ginawang iyon ni Coco.

“Ang nakakatuwa kay Coco, hindi sya nagmamatigas at sya pa makikipag meet na dapat yon director ng show or head writer ang in charge dyan since sila nagbuo ng story, ginagawa lang naman ng mga actors yon trabaho nila.”

“Coco is a creative consultant of the show under his real name Rodel Nacienceno. He has a say on the story as well as the casting. Nevertheless, his humility to meet, talk and compromise (if needed) is one of the traits that makes him idolized and successful.

“On the matter, they should not easily give in to Albayalde’s strategic move with the intention to clean up their image (because even though some are portrayed bad the series still shows examples of good policemen) but also they should not shrug off suggestions or meet halfway.”

Read more...