PATULOY na tinatahak ng bagyo ang Visayas at Mindanao kung saan ito posibleng mag-landfall habang papasok sa Philippine Area of Responsibility.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na pa-kanluran ang direksyong tinutumbok ng bagyo na tatawaging Samuel pagpasok nito sa PAR sa Linggo.
Ngayong araw ang tropical depression ay nasa layong 2,310 kilometro sa silangan ng Mindanao.
Posibleng maging Severe Tropical storm ang bagyo bago ito mag-land fall.
Samantala, lumabas na ng PAR ang binabantayang low pressure area ng PAGASA sa bahagi ng Palawan.
Posible itong maging bagyo habang papalayo.
MOST READ
LATEST STORIES