Katumbas ang kanyang piyansa ng orihinal na halaga na kanyang inilagak noong 1991, na na-forfeit matapos naman ang desisyon ng Sandiganbayan noong Nobyembre 9.
Habang wala pang desisyon kaugnay ng kanyang motion for leave, inatasan ang biyuda ng yumaong diktador na si dating pangulong Ferdinand E. Marcos na manatili sa loob ng court room ng Sandiganbayan Fifth Division.
Noong Miyerkules, naghain si Marcos ng isang motion for leave para i-avail ng “post-conviction remedies”, kung saan idinahilan niya ang isyu sa kanyang kalusugan kayat hindi nakadalo sa promulgasyon ng kanyang mga kaso noong Nobyembre 9.
Napatunayang guilty si Marcos sa pitong counts ng graft kaugnay ng paglipat ng $200 millyon sa Swiss foundations, na kanyang itinayo kasama ang kanyang mister at ginawa nilang benepisyaryo ang kanilang mga anak.