Diego ‘di pa bumabalik sa taping ng Los Bastardos

DIEGO LOYZAGA

AFTER ng ABS-CBN Christmas Station ID shoot, na may pamagat na “Family Is Love”, nagkanya-kanyang alisan na rin ang mga artista at mga bossing.

At dahil galing din naman kami sa Grand Kapamilya Day ng DZMM sa Caloocan last Sunday, na-experience talaga namin ang mala-EDSA na traffic sa ABS-CBN compound sa dami ng celebrities na nandoon.

Saglit naming nakatsika ang ilan sa mga direktor at executives ng shoot. Feel na feel namin na para kaming “poon” sa aming pagkakatayo sa may entrance ng DZMM with matching security guard pa, kung saan dumadaan ang ilan sa mga artista na either bebeso, yayakap at sandaling maghe-hello sa amin.

Ha-hahahaha!

Ilan nga riyan sina Matteo Guidicelli, Richard Yap, Julia Barretto, Joshua Garcia, Maymay Entrata at Edward Barber, Richard Gutierrez, Jona, Darren Espanto, ateng Korina Sanchez at sina Jericho Rosales, Maja Salvador at ilan pang top executives ng netwrok.

Ibang klase talaga si Coco Martin na akay-akay pa si Manang Inday Susan Roces nang lumapit at bumeso sa amin. Si Enrique Gil na nakalampas na ay bumalik pa para lang batiin kami kaya’t feeling gandara talaga kami. Ha-haha!

Bongga rin ang tsikahan namin nina Kabayang Noli at tito Ronaldo Valdez na nagpalitan pa ng mga numbers.

Then sumegue ang veteran actor sa panghuhula sa mga blind items na lagi raw niyang inaabangan sa programa namin sa “Chismax” with our partner Gretchen Fullido.

Nagawa rin naming kumustahin kung nagre-report na si Diego Loyzaga sa taping ng seryeng Los Bastardos matapos ang balitang sinaktan diumano niya ang sarili. Gumaganap bilang isa sa mga anak ng karakter ni Tito Ronaldo si Diego at madalas niya itong kaeksena.

“Wala pa. Hindi pa. Pero kahit kami hindi talaga namin alam ang totoo, Ano ba talaga?” balik-tanong nito sa amin. “Kung ano rin po yung lumabas at naibalita, yun lang din po ang alam namin,” sagot niya.

Then we both said na sana nga ay tsismis lang ang lahat and prayed that if ever na nagtangka nga siyang magpakamatay, “Tumulong na lang tayo na magdasal for him at pagaanin ang anumang pinagdadaananniya.”

Next issue, ang mga anik-anik na kuwentong kakulitan at lambingan sa halos ilang oras din naming pagtambay sa Christmas Station ID shoot ng ABS-CBN.

Read more...