Kris sa dating business partner: Kaya natin itong ayusin…kaya kitang patawarin

PERSONAL na nagtungo si Kris Aquino sa preliminary hearing ng kasong isinampa niya laban sa dating business associate sa KCA Productions na si Nicko Falcis kahapon.

Dumating si Kris kasama ang anak na si Bimby sa Mandaluyong Prosecutor’s Office para sumpaan ang kanyang complaint affidavit hinggil sa 44 counts ng qualified theft na isinampa niya laban kay Falcis.

Si Falcis ay dating katuwang ni Kris sa pagpapatakbo ng KCAP at nakikipagnegosasyon din para sa kanyang mga endorsements na nasa ibang na ngayon. Isa siyang certified public accountant, (with a Masters of Science Joint Degree in Global Finance sa Hong Kong University of Science And Technology Business School at sa New York University Stern School of Business).

Bukod sa Mandaluyong, isinampa rin ng legal team ni Kris ang nasabing kaso sa San Juan, Quezon City, Pasig, Makati, Taguig at Manila kung saan umano nangyari ang “unauthorized use of KCAP credit card”, base pa rin sa complaint affidavit ni Kris.

Humihingi naman ng kabuuang danyos ang kampo ni Kris ng P32.27 million.
Ito naman ang mensahe ni Kris sa kanyang dating business partner, “He’s the one who had a major contribution in my life. We, and I say that, na us, we have gratitude. I’m sorry that it came to this because I had to see papers that I should not have seen. But unfortunately I did.

“This could have been fixed and I will reiterate that six times nag-attempt ang side namin. Kung patuloy naman na tinatanggihan ka, eh ikaw nang naagrabyado mayroon nang mali roon. Pero sasabihin ko ang last statement was we are open for an amicable settlement.

“I’m saying it directly to you, Nicko. You helped me rise up when I was down. May utang na loob ako. May utang na loob ako. Kaya natin itong ayusin, sana naayos ito kung tayong dalawa lang. And sinasabi mo na kumuha ako ng powerful lawyers, powerful friends, bakit hindi ko iyon gagawin eh, kinabukasan ito ng mga anak ko. At iyon ang masakit eh, itinuring ka naming pamilya.

“Kaya nga kaya kong sabihin, kaya kitang patawarin. Pero magpakita ka naman sa akin na you’re at least trying to meet me halfway because I’ve more done my share.

“All I’m saying is I have done my share to try to fix this. And if you will not try to meet me halfway I did not make any unreasonable demands. My lawyers we’re being fare. You were never named, until last night. You know I did not name you because kasi you know kung ilan ang followers ko.

“At hindi ko ginusto na gawin ito na sirain ang buhay mo. Kasi ganoon ‘yun eh. Kung may fans ka blindly, whether tama ka o mali ikaw ang sasang-ayunan. Kaya lang when you’re pushed against the wall, at ang buong kredibilidad mo inaatake na, ‘yun na lang ang pinanghahawakan ko. ‘Yun ang ipinambubuhay ko sa mga anak ko.

“So, I want this fixed you know why? Because my sister said kung maayos mo ‘yan baka mas mabilis kang gumaling. Because it is all the stress. This is not a play for sympathy, it’s just the truth. So let’s fix this,” ang mahabang pahayag ni Kris nang makausap ng ilang member ng press pagkatapos ng hearing.

Ayon naman sa kapatid at legal counsel ni Falcis na si Atty. Jess Falcis, handa naman daw makipag-ayos ang kanyang kapatid kay Kris, pero nanindigan ito na wala silang ninakaw, “I’m sure that there was no qualified theft. I’m sure wala kaming ninakaw, walang ninakaw ang pamilya ko so I always sleep at night.”

Read more...