Payo sa ADN: Hayaan nang lumigaya si Maine sa piling ni Arjo


SUPALPAL ang AlDub fans na naniniwalang walang romantic something between Arjo Atayde and Maine Something.

Kung a few weeks back ay hindi clear ang Halloween picture na magkasama ang dalawa noong Undas, ngayon ay may lumabas na mas malinaw na photos ng Halloween date ng dalawa kaya walang kaduda-duda na magkasama nga ang dalawa.

Isang malaking sampal ito sa AlDub fans na naniniwalang may chance pang maging magdyowa sina Maine at Alden Something. Until now kasi ay they were hoping against hope na magkakatuluyan ang kanilang mga idols. Nakakatawa lang kasi sa noontime show ay pinalalabas ang love team ng dalawa kahit na obvious na wala namang romantic interest si Alden kay Maine.

But outside of the noontime show, free na free si Maine na makipag-date kay Arjo. That’s her subtle way of telling their fans na there’s nothing between her and Alden. Ouch!

Not surprisingly, ang AlDub fans ang pinatutsadahan ng netizens sa comment section ng isang website.

“Nakakatawa kasi yung mga delulung AlDub fans sabi wala silang pic together kaya di sila magkasama kahit obvious naman dahil naka-couple costume sila! Hahahahaha!”

“O, ayan na ang resibo mga Tards. Talagang cla na. Mabilis talagang ma in love c ateh.”

“LOL, sasabihin na naman ng kulto may nag tip lang kay Arjo kung saan pupunta si Yaya at kung anong costume niya kaya nag stalk at pumunta lang doon para magka picture kasama siya para palabasin na may date sila. Kawawang neyshun, sinasampal na ng mga resibo pero in denial pa rin.”

“They should leave Maine alone – Let her enjoy her youth. Ano mag aantay siya kay Alden hanggang 40 na siya eh yung lalaki iba priority sa buhay?”

Read more...