Rhian manhid na sa bashers: Dati talaga pumapatol ako!


MANHID na ang pagkatao ni Rhian Ramos sa mga taong patuloy na bumabanat sa kanya.

“At a certain age, na-realize ko na when someone that you don’t know said something about you, don’t take it personally because they don’t know you. I mean it would be different if a close friend said something about you, di ba?

“Siyempre, dati, mapagpatol ako but now not anymore. Parang minsan nga nae-entertain pa ako lalo na pag witty or wrong spelling. Parang nasanay na ako.

“Minsan nga, para akong alien na, ‘I come in peace.’ It didn’t work. Hindi ko na tinuloy. Immune na ako! Ha! Ha! Ha!” rason ni Rhian nang makausap ng press sa celebrity screening ng movie nila ni JM de Guzman na “Kung Paano Siya Nawala” from TBA Studios.

Isa si Rhian sa producers ng movie. Winner ang team up nila ni JM dahil love story man ito, natural na natural ang lambingan at landian nila ng aktor.

Baka pagselosan siya ni Barbie Imperial na malapit ngayon kay JM, “I don’t think so. Kung sila ni Barbie, I am happy for them!”

Read more...