Buntis niratrat sa terrace

SUGATAN ang buntis nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin sa kanyang bahay sa San Jacinto, Pangasinan, Lunes ng gabi.

Itinakbo si Mary Ann Aoanan, 39, sa pagamutan sa Dagupan City para malunasan, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police.

Naganap ang insidente alas-6:55, sa Brgy. Bagong Pag-asa.

Nasa terrace ng bahay si Aoanan nang pagbabarilin ng mga salarin, ayon sa ulat.

Natagpuan sa pinangyarihan ang anim na basyo at apat na slug ng di pa matiyak na uri ng baril.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga salarin.

Read more...