Kagawad tinumba

NASAWI ang isang barangay kagawad nang pagbabarilin ng di pa kilalang salarin sa Burgos, Isabela.

Dead on arrival sa ospital si Leonardo Albano, 69, residente’t kagawad ng Brgy. Caliguian, ayon sa ulat ng Cagayan Valley regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga Lunes, sa bahagi ng provincial road na sakop ng Brgy. San Antonino.

Nagbibisikleta si Albano patungo sa town proper nang pagbabarilin sa mukha, tenga, at kaliwang kamay ng di kilalang tao, ayon sa ulat.

Itinakbo pa ang kagawad sa isang pagamutan sa bayan ng Roxas, ngunit di na umabot nang buhay.

Natagpuan ng mga rumespondeng pulis sa pinangyarihan ang tatlong basyo ng kalibre-.9mm pistola at isang bonnet.

Read more...