Karo bumangga, bangkay lumabas sa kabaong

LUMUSOT ang ulo ng isang labi ng tumalsik ito palabas sa kabaong nang bumangga ang sinasakyan nitong karo ng patay sa Quezon City kaninang umaga.

Sugatan naman ang mga tauhan ng purenarya na sina Anthony de Guzman, 38, at ang driver na si Philip Iwarat, 42.

Binabagtas ng karo ang Quezon Ave., alas-12 ng hatinggabi nang bumangga ito sa isang trak na mag-u-uturn sa lugar.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nawasak ang unahang bahagi ng karo na isang converted na van. Naipit sa loob si de Guzman kaya kinailangang sirain ang pintuan ng sasakyan upang mailabas ito.

Read more...