Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology alas-10:49 ng gabi ng maramdaman ang magnitude 4.9 lindol. Ang epicenter nito ay 49 kilometro sa kanluran ng Kalamansig. May lalim itong isang kilometro.
Nagdulot ito ng Intensity III paggalaw sa Kalamansig at Lebak. Intensity I naman sa Tupi, South Cotabato.
Nasundan ito ng magnitude 4.5 alas-10:54 ng gabi, Ang epicenter ay 29 kilometro sa kanluran ng Kalamansig at may lalim na walong kilometro.
Sumunod naman ang magnitude 2.6 alas-10:57 ng gabi, magnitude 2.3 alas-11:55 ng gabi, magnitude 2.0 alas-1:27 ng umaga, magnitude 2.7 ala-1:44 ng umaga, magnitude 2.4 alas-1:59 ng umaga, magnitude 2.2 alas-3:26 ng umaga.