Yen sa mga kabit: Pwedeng sa huli talagang ibabasura ka lang


NAGPASALAMAT si Yen Santos sa lahat ng tumatangkilik ng Halik na patuloy na nagte-trending sa social media. Siya ang gumaganap bilang si Jacky.

Kasabay nito, may mensahe rin si Yen sa lahat ng mga taong naging “kabit” sa tunay na buhay.

“May kanya-kanya siguro silang dahilan kung bakit sila pumapasok sa ganyang sitwasyon pero sana bago nila isipin na pumasok sa ganyang sitwasyon, siguro isipin muna nila ‘yung consequences na pwedeng mangyari kapag pumasok sila sa maling relasyon na pwede talaga nilang pagsisihan hanggang huli.

“May mga bagay na sa una lang masaya, nakukuha mo ‘yung gusto mo, pero ang totoo niyan, ano ka ba talaga sa buhay ng taong pinasukan mo?

“Pwedeng sa bandang huli talagang ibabasura ka lang pala pero nandiyan may taong nagmamahal, may tao talagang nagmamahal para sa ‘yo na tanggap ka kung ano ka,” dagdag pa niya.

Read more...