Kate quota na sa sampal ni Cherie

KATE VALDEZ AT MIKEE QUINTOS

PATULOY  na tumitindi ang madadramang eksena sa Kapuso primetime series na Onanay na pinagbibidahan nina Kate Valdez, Mikee Quintos, Cherie Gil, Nora Aunor at Jo Berry.

Bukod sa mga pakilig na eksena ng magka-loveteam na sina Mikee at Enrico Cuenca, inaabangan din ang mga pagtataray ni Cherie Gil sa serye, lalo na ang confrontation scenes nila ni Ate Guy.

Bukod kasi sa kanyang iconic “copycat” scene, abangers din ang viewers sa malulutong na sampal na ibinibigay niya sa mga kasamahan niya sa Onanay.

Halos lahat na yata ng cast members ng serye ay nasampal na ni Cherie. Pero ang sinasabing quota na sa sampal ng aktres ay ang gumaganap na anak niya sa Onanay na si Kate.

Grabe! napanood ko kasi ang isang video kung saan pinagsama-sama ang mga eksena ni Kate sa serye kung saan paulit-ulit siyang sinasampal ni Cherie.

Tutukan ang mas marami pang pasabog sa Onanay gabi-gabi sa GMA Telebabad after Victor Magtanggol.

Read more...