Malalang pag-inom, dementia may konek


ISA ka ba sa ayaw paawat uminom? At kung uminom ay wala ring patumangga?

Ayon sa pag-aaral, ang walang patumanggang pag-inom ay isang major risk factor para sa lahat ng uri ng dementia.

Sa inilathalang pag-aa-ral ng The Lancet Public Health, nadiskubre ng mga mananaliksik na sumuri sa mahigit 57,000 bagong kaso ng dementia sa France, mahigit kalahati sa mga ito ay iniuugnay sa matinding pag-inom ng alak o alcohol abuse.

Sa pangkalahatan, tatlong beses na mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng lahat ng uri ng dementia ang mga taong tomador o sila na may alcohol use disorder.

Sinasabing posibleng magkaroon ng Alzheimer’s at iba pang uri ng dementia kahit wala pang edad na 65 ang mga walang patumangga sa pag-inom.

Sa mga nakaraang pag-aaral, hindi direktang naiugnay ang epekto ng alkohol sa cognitive health. Sa katunayan, meron pa ngang pag-aaral na nagsasabi na may benepisyo ang light-to-moderate drinking.

Pero iba naman ang kaso kung sobra ang pag-i-nom ng alak.

Batay sa depinisyon ng World Health Organization (WHO), ang “chronic heavy drinking” ay ang pagkonsumo ng alkohol ng mahigit 60 gramo ng purong alcohol – anim o mahigit pa sa standard drink – kada araw para sa mga lalaki, at sobra sa 40 gramo kada araw para sa mga babae.

Sa ginawang pag-aaral sa France, sinuyod ng mga mananaliksik ang mga medical record ng mahigit isang milyong indibidwal na na-diagnose ng dementia mula 2008 hanggang 2013.

Sinasabing may kaugnayan ang halos lahat ng kaso sa alcohol. Imi-nungkahi ng mga may-akda ang screening, brief intervention para sa heavy drinking, at paggamot ng alcoholism para mabawasan ang cognitive decline.

“The link between dementia and alcohol use di-sorders … is likely a result of alcohol leading to permanent structural and functional brain damage,” sabi ng pangunahing may-akda na si Michael Schwarzinger, isang scientist sa Translational Health Economics Network sa Paris.

Iniuugnay din ang alcohol use disorder sa high blood pressure, diabetes, stroke, at heart failure, na sa kalaunan ay posibleng makapagpataas ng vascular dementia.

Maging ang matinding pag-inom at paninigarilyo ay iniuugnay sa depresyon.

Sa 94,5512 katao na si-nuri – mahigit 85 porsiyento sa mga ito ay mga alcohol dependent.

“Our findings suggest that the burden of dementia attributable to alcohol use disorders is much larger than previously thought,” sabi ni Schwarzinger.

“Heavy drinking should be recognized as a major risk factor for all types of dementia,” ayon pa kay Schwarzinger.

Inilarawan naman ni Clive Ballard, professor ng University of Exeter Medical School sa Britain ang resulta ng pag-aaral bilang “immensely important”.

“We should move forward with clear public health messages about the relationship between both alcohol-use disorders and alcohol consumption, respectively, and dementia,” ayon sa kanyang rekomendasyon sa kaparehong journal.

Read more...