Paglalaro ng computer iniuugnay sa short-sightedness ng bata

NAGSAGAWA ng pag-aaral sa United Kingdom na nag-uugnay sa sakit sa mata na myopia sa mga bata na ipinanganak ng tag-init (summer) at paglalaro ng computer games.

Ang myopia o short-sightedness o near-sightedness ay isang kondisyon ng mga mata kung saan hindi naka-focus nang maayos ang liwanag kaya hindi nila nakikita ang mga bagay na malayo. Naitatama ito sa pamamagitan ng pagsusuot ng salamin o laser surgery.

Pinag-aralan ng King’s College London, ang 1,991 kambal na mayroong average na 16.7 taon ang edad na bahagi rin ng pag-aaral ng Twins Early Development Study.

Tiningnan ang demographic, social, economic, educational at behavioral factor na nakakaapekto sa paglaki ng mga bata at ipinasuri rin ang kanilang mga mata.

Ang resulta, isa sa apat o 26 porsyento ng mga kambal ay myopic. Ang average age na nagsuot ng salamin ang mga ito ay 11 taong gulang.

Mayroon umanong malaking kaugnayan ang pagiging myopic ng mga bata na ipinanganak ng summer ang haba ng paggamit o paglalaro nila ng computer at ang education level ng kanilang nanay.

Ang mga bata na ipinanganak ng summer ay mas maaga umanong nag-aaral kaysa sa mga ipinanganak ng winter months. Kaya nauuna rin silang magbasa kaya namamadali ang pag-develop ng kanilang mga mata na nagiging sanhi ng short-sightedness.

Ang paglalaro ng computer games ay iniuugnay din sa myopia dahil maliit ang pagitan ng screen at mata.

Ang mga anak ng mga ina na sumailaim sa fertility treatment ay may 25-30 porsyentong mas mababa ang tyansa na magkaroon ng myopia.

Sa pag-aaral aabot umano sa 4.758 bilyong kata ang magkakaroon ng myopia sa 2050 mula sa 1.950 bilyon noong 2010.

Ayon sa mga doktor mula sa Singapore National Eye Center, Center for Eye Research, Melbourne, Australia at University of Melbourne ang paglabo ng mata ay dulot ng digital media at matagal na exposure sa gaming, social media, at digital entertainment.

Read more...