NAGMARKA nang husto sa amin ang baguhang actor na si Henz Villarais nu’ng napanood namin ang pelikulang “ML” sa opening night nito sa 2018 Cinemalaya Independent Film Festival sa CCP Main Theater. Henz played the role as Tony Labrusca’s friend sa “ML.”
Ayon sa direktor ng “ML” na si Benedict Mique, nag-audition si Henz for his role as Jace na kasamang na-torture ni Edddie Garcia sa movie.
Nu’ng napanood din daw ng ilang ABS-CBN executives ang movie, tinanong agad siya kung sino siya in real life dahil sa husay niya habang tino-torture ni Eddie.
Si Henz ay isa sa top10 finalists sa Pinoy Boyband Superstar kung saan kasama rin niya si Tony. Pareho silang hindi pinalad ni Tony na makapasok sa limang grand winners. Pagkatapos ay napasama siya sa seryeng Sana Dalawa Ang Puso bilang si Kokoy na ka-partner ni Yllona Garcia.
Henz is being managed by Star Magic and Ogie Diaz. Right after niyang ma-eliminate sa PBS ay agad siyang pinatawag ni Johnny Manahan.
Dating singer ang ina ni Henz sa Japan kung saan nakilala ang kanyang kinalakihang stepdad na isang Japanese businessman. Mga two or three years pa lang daw siya nu’ng maghiwalay ang parents niya.
“One day po, pagkatapos ko ng e-lementary, si Daddy (Japanese stepdad) at si Mama bigla na lang, ‘Uh, we’re gonna send you in Australia. Tapos ako po nagulat, ‘Bakit po?’ ‘Wala, we want to teach you to be independent.”
Magti-13 pa lang siya nu’ng pumunta siya sa Brisbane, Australia at first time siyang nag-travel sa plane all by himself.
After five years, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Japan kung saan naka-base ang Mama niya at ang kanyang stepdad. Pero bumalik siya ng Pilipinas at pinili na mag-stay para i-pursue ang kanyang dream na maging artista.
Promise ni Henz sa kanyang ina, ipagpapatuloy niya ang naudlot na pangarap ng Mama niya na mag-showbiz.
Palabas na ngayon sa mga sinehan ang “ML”.