NALUNGKOT ang maraming taga-showbiz sa nangyari kay Diego Loyzaga. At the same time, they’re all hoping and praying na malampasan ng aktor ang anumang pinagdaraanan.
Si Diego ay anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga. Sa huling interbyu namin sa kanya sa grand presscon ng teleserye niya sa ABS-CBN, ang Los Bastardos, mukhang excited at masaya naman siya.
Saktung-sakto raw na may serye siya at may pagkakabisihan uli during the “ber” months.
“I don’t know if some people get this too. I don’t know if I’m the only person na ganito, pero during ber months parang I get an off feeling. Parang I’m not a Christmas kind-of-guy. So, being busy during these months will definitely keep me happy, keep me busy. Keep me focus,” lahad ni Diego sa amin.
Tinanong namin siya kung bakit ‘di niya feel ang “ber” months, “It’s a psychological thing actually explained to me by a doctor. It’s something that you get when you’re younger. Parang bubog mo sa buhay. Pero I’m not saying in a negative way. It is something na…you all know my story. I don’t have to explain it,” diin ni Diego.
We asked him again kung may kinalaman ‘yung pagiging malayo niya sa kanyang ama nu’ng lumalaki siya sa Australia ang isa sa mga pinagmulan nito, “Let’s not put into words,” sagot sa amin ni Diego.
Ano yung hugot niya pag ber month? Puwede ba niyang i-share? “It’s just the whole… yun na nga, the whole Christmas-y vibe. Ganu’n. I’d rather be out of the country. Pansinin ninyo, guys, I’m always traveling du-ring the ber months. Iyon na lang i-yon.”