Victor Magtanggol magkakaroon ng book 2, gagawin ding pelikula? | Bandera

Victor Magtanggol magkakaroon ng book 2, gagawin ding pelikula?

Alex Brosas |November 11,2018
facebook
share this

Victor Magtanggol magkakaroon ng book 2, gagawin ding pelikula?

Alex Brosas - November 11, 2018 - 12:20 AM

ALDEN RICHARDS

TAWANG-TAWA ang netizens bagong paandar ni Lolit Solis na posibleng magkaroon ng Book 2 at movie version ang teleserye ni Alden Something.

Maski kami tawang-tawa at hindi kami maka-get over sa kanyang mga sinabi.

Wala bang kadala-dala ang GMA 7? Ni hindi nga sila dumikit sa rating ng FPJ’s Ang Probinsyano tapos gagawan pa nila ng Book 2? Sabagay, as they say, history repeats itself.

Take the case of Alyas Robin Hood na ginawan din ng Book 2 pero flopey pa rin. Flopey ang una, so flopey rin ang pangalawa.

“May maganda akong balita Salve. Dahil sa nakitang suporta ng fans sa Victor Magtanggol mukhang gustong gawin itong isang pelikula dahil mga bata ang mga viewers na nakuha nito. And nakita ng GMA ang naging parang pamilya na bonding ng casts na lahat ay naging close sa isa’t isa kaya baka gawan ito ng book 2.

“Bongga ha, tototo nga sabi na love begets love, dahil sa ipinakitang pagmamahalan ng mga kasali sa team Victor Magtanggol parang ayaw itong mawala ng GMA, lalo pa nga at walang naging problema sa set, lahat nagbibigayan, walang nega kaya hayun pinag-iisipan gawan ng book 2.

“At sana nga matuloy iyon pelikula dahil matagal na rin hindi gumawa ng movie si Alden. Well like I say, dahil mabuti siyang tao, kaya mabuti din ang dumarating na biyaya. Go go go Victor Magtanggol.”
‘Yan ang sinabi ni Lolit na pinagtawanan ng netizens.

“Sometimes we just have to know when to stop. Tama na, please. Maawa kayo sa mga sarili nyo. Isalba nyo si Alden! Lol.”

“I watched some scenes of this show and I find it so bad. So much hypes about his during the beginning but the show is so pathetic.”

“Ako tawang tawa With so much cringe sa Hammerman! Hahahaha!”

“Libre sa TV walang nanonood, may bayad pa kaya?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung sa free tv nga hindi nakahanap ng niche audience pano pa kapag movie na kailangan na talagang magbayad?”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending