ABS-CBN TV Studio Experience wagi sa Asia Pacific ‘Silver Quill Award’


MULING kinilala ang ABS-CBN “Wow At Saya” TV studio experience program, na layuning bigyan ng mala-red carpet treatment ang viewers na nanonood ng Kapamilya shows ng live sa TV studios, ng prestihiyosong Silver Quill Award mula sa International Association of Business Communicators (IABC) Asia Pacific sa Melbourne, Australia.

Nagsisimula ang “Wow At Saya” experience ng studio audience members sa pag-book nila ng slots online sa Kapamilya Tickets (ktx.abs-cbn.com). Kapag nakakuha na ng slots at nakapili ng schedule, pinangungunahan ng Studio Tour guides ang mainit na pagtanggap sa studio audience members para maging masaya ang kanilang pagbisita sa ABS-CBN.

Ito ang pangalawang international award ng ABS-CBN “Wow At Saya” pagkatapos nitong masungkit ang isang Gold Quill Award of Excellence sa International Association of Business Communicators (IABC) Gold Quill Awards noong Hunyo sa Montreal, Canada.

Noong 2017, nanalo rin ang “Wow at Saya” sa customer relations category ng Philippine Quill Awards na kumikilala sa pinakamahusay na business communications programs at campaigns sa bansa.

Read more...