John Lloyd binuhay ang mga alaala ni Rico J. Puno

SA pamamagitan ng Instagram, inalala ni John Lloyd Cruz ang yumaong OPM icon na si Rico J. Puno.

Dito ipinaramdam ni Lloydie na hinding-hindi niya malilimutan ang veteran singer na tumayong “tatay” niya Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home.

Isang video clip ang ipinost ni John Lloyd sa IG kung saan makikita ang phonograph at vinyl record ng singer. Mapapakinggan sa background ang version ni Rico J ng “You Don’t Have To Be A Star (To Be In My Show)” nina Marilyn McCoo at Billy Davis Jr..

Ang nasabing kantya ay isa sa mga sikat na cover songs ng yumaong OPM legend noong dekada 70.

Read more...