Horoscope, November 09, 2018

By Madam Sophia November 09,2018
share this

Horoscope, November 09, 2018

By Madam Sophia November 09,2018
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Kung gusto mo talagang magtagumpay, anoman ang iyong ginagawa, wag kaladkarin ang iba para samahan ka. Gawing mag-isa at may kalayaan ang anomang naiisip. Sa ganyang paraan, magtatagumpay ka at magiging maligaya. Mapalad ang 4, 6, 27, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mandala-Aum.” Red at white ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Hanapin ang mas masayang pag-ibig na hatid ng isang Libra. Sa pananalapi, hindi mo mapapabilib ang mga tao sa iyong mabilis na pagsasalita. Baguhin ang istilo, bilisan naman ang pagta-trabaho. Mapalad ang 5, 18, 22, 28, 31, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Beige at silver ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Ugaliing magsuot ng kulay na red sa ganyang paraan, sa pag-ibig at salapi maraming hindi inaasahang suwerte ang kusang darating. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jana-Krisna-Rama.” Bukod sa red ang pink ay buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Tulad ng isang mandaragat, makipagsapalaran upang mabago ang kapalaran. Wag matakot pumalaot sa malayong lupain upang umunlad. Sa pag-ibig, sa malayong lugar matatagpuan ang true love. Mapalad ang 4, 7, 28, 33, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kurvan-Adhena-Om.” Green at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Hindi na uso ang plastic, bumabara lang yan sa mga kanal. Magpakatotoo sa iyong sarili sa anomang sitwasyong papasukin. Sa ganyang paraan, mas uunlad ka at mas magiging maligaya. Mapalad ang 1, 10, 22, 34, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om.” Orange at lilac ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Tuloy-tuloy na darating ang suwerte basta lagi ka lang na ngumiti at maging masaya. Sa pag-ibig sundin lagi ang tinitibok ng puso upang habang buhay ka nang lumigaya. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Mapalad ang 4, 13, 19, 24, 34, at 41. Pink at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Ipagpatuloy ang pagiging makasarili, yan talaga ang paraan upang yumaman. Kapag maraming-marami ka ng pera magagawa mo na ang lahat. Sa pag-ibig, tutukan sa romansa ang minamahal, bago siya tuluyang lumayo. Mapalad ang 8, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om-Artam” Orange at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Kumpletuhin ang misyon mo sa mundo. Ang magluto ng isang napakasarap na menu at pagkatapos ay ipatikim sa iyong mga mahal sa buhay. Kapag nasarapan ang kasuyo, puwede mo ng gawing negosyo ang mga bagay na may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kevalam.” Lilac at green ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Mamaliitin ka ng mga kasamahan mo, wag silang pansinin, sa halip lalo mo pang pagbutihin ang iyong pagta-trabaho. Makikita nila, darating ang panahon, isa kang matagumpay at mayamang nilalang. Mapalad ang 6, 9, 21, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Regama-Om.” Red at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Maraming dadamay sa iyo sa araw na ito, kaya maiibsan ng malaki ang iyong mga dinadalang suliranin. Para mapanatili ang mga tapat at mabubuting kaibigan, wag mo silang uutangan. Mapalad ang 5, 11, 15, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Anilam-Aum-Bastan.” Gray at beige ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Kahit na tanggihan ka ng iyong kapwa hindi ka dapat tumigil. Kulitin mo sila ng kulitin. Sa pagiging makulit, uunlad ka, at mas magiging maligaya. Mapalad ang 6, 9, 19, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “I will persist until I succeed.” Red at pink ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag hayaang maapektuhan ng problema ng ibang tao lalo na sa pag-ibig. Ang sobrang pagka-awa ay hindi dapat gamitin sa ngayon, sa halip, mas dapat iprayoridad ang mga bagay na may kaugnayan sa salapi. Mapalad ang 4, 9, 18, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Brown at bule ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Umupo sa isang sulok na malapit sa nature. At doon iplano ang lahat ng gustong mangyari sa buhay. Sa ganyang paraan, mas madali kang magtatagumpay at magiging maligaya. Mapalad ang 6, 18, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra” Violet at pink ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending