‘Ang sarap sapakin at sampalin ni Romnick Sarmenta!’

By Cristy Fermin November 09,2018
share this

‘Ang sarap sapakin at sampalin ni Romnick Sarmenta!’

By Cristy Fermin November 09,2018
share this

ROMNICK SARMENTA AT HARLENE BAUTISTA

Masarap regaluhan ng mag-asawang sampal si Romnick Sarmenta sa role na ginagampanan niya sa seryeng Halik. Kung gustung-gusto nating yakapin si Jericho Rosales na bumibida sa palabas ay gustung-gusto namang sapakin ng manonood si Romnick.

Hindi na nakapagtataka kung umaangat man ang galing sa pagganap ng aktor, nagsimula siya bilang child star sa Gulong Ng Palad, siya ang makasaysayang si Peping.

Pero nagkokontrabida na siya ngayon, siya ang negosyanteng kalaban ni Jericho sa negosyo, hindi marunong lumaban nang parehas si Romnick sa daloy ng kuwento.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Mukhang may hugot talaga ang acting ni Romnick sa Halik. Feel na feel kasi ang angst sa acting niya. May galit sigurong hindi nailalabas si Romnick sa paghihiwalay nila ni Harlene Bautista. Napakawalanghiya niya sa Halik!

“Sa itsura pa lang niya na pailalim kung tumingin, e, napakasarap na niyang sapakin! Du’n sa confrontation nila ni Jericho, e, tuwang-tuwa ang mga katabi kong nanonood, pababagsakin kasi ni Lino ang negosyo niya!” talagang halatang-halata ang pagtutok ni prop sa serye ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending