Isang kilong plastic na basura kapalit ng isang kilong bigas? Eh pa-print ng assignments kapalit ng plastic bottles?
Yan lang ang ilan sa naisip ng ilang kabataan mula sa Laguna at Cavite.
Sa isang viral post mula sa FB page ng Sangguniang Kabataan- Talon, Amadeo, Cavite papalitan nila ang isang kilong plastic para sa isang kilo ding bigas.
Sa project ng Plastic Mo Kapalit ng Bigas, mag-iipon lang ng isang kilong plastic katulad ng balot ng chitchirya, plastic bottles at iba pang plastic na basura.
Sa Ibaba del Norte, sa bayan ng Paete, Laguna naman, viral din ang project ng SK na bigyan ng libreng pag-print ang mga magdadala ng plastic bottles. Ito raw ay upang matulungan ang kalikasan at mai-angat ang edukasyon.
READ MORE:
Adamson Falcons nakapasok sa Final Four
Netizens ipinagtanggol si Xander Ford
Pinay OFW kontra manyakis na amo