Horoscope, November 08, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: May dagdag na salaping matatanggap. Ngayon pa lang iplano na kung paano magiging masaya ang pasko ng hindi masyadong gumagastos. Tandaang ang nagpapasaya pa rin sa pamilya at sa pakikipag relasyon ay ang maraming pera. Mapalad ang 5, 18, 22, 32, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: Om-Purana-Om-Padma.” Green at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Ngayon pa lang iplano na ang buhay kung ano ang dapat gawin at kung ano ang dapat makamit sa paparating na taong 2019. Sa pagbalangkas ng mga adhikain, isa alang-alang ang pangarap na dream house at ang pangarap mong mapuntahang magagandang lugar. Mapalad ang 3, 18, 23, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dhuvina-Minna-Om.” Beige at white ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Kaysa magpatangay sa magastos na Holiday Season ipunin ang anomang salaping matatanggap. Sa pag-ibig, kumbinsehan ang kasuyo na sa halip na magtapon ng pera ngayong ka-paskuhan, mas mainam na itabi ang mga salaping matatanggap at gamitin sa negosyong matagal nyo ng binabalak. Mapalad ang 8, 17, 26, 34, 41 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om” Red at maroon ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sa pag-ibig, kung paanong lagi mo siyang naalala, ganon din naman siya sa iyo. Kaya nga sa sandaling kayo ay nagkita, asahan na ang grabeng romansa! Sa pinansyal, ngayon pa lang ihanda na ang budget sa pakikipag-date. Mapalad ang 3,12, 17, 24, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” Silver at lilac ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Magkakapera ng malaking halaga, basta’t lagi ka lang dumikit sa isang Capricorn. Sa pag-ibig, bukod sa Capricorn ka-compatible mo rin ang Scorpio. Mapalad ang 2, 11, 20, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya- Minna-Galla-Om”. Green at peach ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Tuloy-tuloy na darating ang suwerte basta lagi ka lang na ngumiti at maging masaya. Sa pag-ibig sundin lagi ang tinitibok ng puso upang habang buhay ka ng lumigaya. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Mapalad ang 4, 13, 19, 24, 34, at 41. Pink at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Negosyong may kaugnayan sa butil ang magpapayaman sa iyo. Ipatupad mo na ngayon. Sa pag-ibig, kapag maunlad ka na at maramig pera, kusa ka na ring liligaya. Mapalad ang 5, 16, 23, 34, 41 at 49. Mahiwag mong mantra: “Rama-Krishna-Om.” Red at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Pagtiyagaan ang kasuyong walang kuwenta, darating ang panahong magkakakuwenta rin siya hanggang sa maging panatag at maging maligaya na ang inyong relasyon. Sa pinansyal, kailangang makaisip ng sariling pagkakaperahan, upang hindi ka na asa pa ng asa sa iba. Mapalad ang 7, 14, 20, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Sharin-Shara-Om.” Orange at beige ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Mali ang ginawa mong pagtanggi, paano kung dumating ang sandali na ikaw naman ang mangailangan? Sa lahat ng panahon at pagkakataon panatiliin ang pagiging bukas-palad, upang lalo ka pang suwertehin at sumagana. Mapalad ang 3, 12, 28, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong Mantra: “Udatta-Savitra-Om.” Pink at gray ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Tama ang naisip mong mag-iba ng kapaligiran upang mahiyang naman. Sa malayong pook, mas maraming magagandang kapalarang makukuha. Sa pag-ibig sa ibang lugar mo matatagpuan ang true love. Mapalad ang 5, 18, 23, 28, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Yoga.” Green at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Minsan dapat mo ring ikonsedera ang damdamin ng iba. Kapag marunong kang mag-mahal ng kapwa, mas mabilis kang unnlad, mas mabilis kang sasagana at habang buhay na magiging maligaya. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra:“Om-Dhipana-Ghopalago.” Black at gold ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi mo namamalayan, sinasamantala ng kasuyo ang iyong kabaitan – wag mag pa-uto! Sa negosyo, iwasang magpautang, kahit sa mga kakilala, dahil kapag nagpautang ka, malamang na hindi ka na naman mabayaran. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Aum Govinda”. Pink at green ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Kaya hindi ka yumayaman, kulang ka sa lakas ng loob! Sa sandaling lumakas ang iyong loob, kusa ng darating ang maraming suwerte at magagandang kaplaran. Sa pag-ibig, himukin ang kasuyong Cancer na magpayaman din. Mapalad ang 7, 14, 23, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Beeja-Om.” Lilac at maroon ang buenas.

Read more...