BAHAGYANG bumaba ang bilang ng mga taong nasisiyahan sa kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot, ayon sa survey ng Social Weather Stations.
Sa survey noong Setyembre, nakapagtala ng 64 porsyentong net rating (76 porsyentong nasisiyahan, 11 porsyentong undecided at 12 porsyentong hindi nasisiyahan) ang war on drugs ng Duterte government.
Ito ay mababa ng isang porsyento sa 65 porsyentong net rating sa survey noong Hunyo (78 porsyentong nasisiyahan, 9 porsyentong undecided at 13 porsyentong hindi nasisiyahan).
Pinakakonti ang mga nasisiyahan sa kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot sa Metro Manila. Ang net satisfaction rating ng war on drugs ay 55 porsyento (72 porsyentong nasisiyahan, 11 porsyentong undecided at 17 porsyentong hindi nasisiyahan).
Sa iba pang bahagi ng Luzon ang net rating ay 66 porsyento (78 porsyentong nasisiyahan, 10 porsyentong undecided at 12 porsyentong hindi nasisiyahan).
Sa Visayas ay 58 porsyento ang net rating (73 porsyentong nasisiyahan, 12 porsyentong undecided at 15 porsyentong hindi nasisiyahan. At pinakamataas sa Mindanao na may 70 porsyento (78 porsyentong nasisiyahan, 14 porsyentong undecided at 8 porsyentong hindi nasisiyahan).
Ang survey ay ginawa mula Setyembre 15-23 at kinuha ang opinyon ng 1,500 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 3 porsyento.