Adamson Falcons nakapasok sa Final Four

Mga Laro sa Sabado (November 10)
(Araneta Coliseum)
2 p.m. Adamson vs UE
4 p.m. UST vs UP

NADAGIT ng Adamson University Soaring Falcons ang ikatlong sunod na Final Four appearance matapos nitong igupo ang University of Santo Tomas Growling Tigers, 96-83, sa kanilang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 81 men’s basketball game Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Gumawa si Sean Manganti ng 22 puntos para pamunuan ang Soaring Falcons na mayroong limang manlalaro na umiskor ng double figures.

Si Simon Camacho ay nagdagdag ng 15 puntos, si Jerrick Ahanmisi ay may 13 puntos, si Papi Sarr ay nag-ambag ng11 puntos at 14 rebounds at si Jerom Lastimosa ay may 10 puntos para sa Adamson.

“Well, of course, we are happy to reach the Final Four, but we’ve been doing that for the last two years. Hopefully, we can improve our finish this year,” sabi ni Adamson coach Franz Pumaren.

Bunga ng panalo, nanatiling nakakapit sa ikalawang puwesto sa hawak na 9-3 record ang Adamson at napalakas ang tsansang masungkit ang ikalawang twice-to-beat advantage sa Final Four.

Nanguna para sa UST si Henri Subido na may 21 puntos.

Sina Marvin Lee at CJ Cansino ay nag-ambag ng 18 at 17 puntos para sa Growling Tigers na nahulog sa 5-7 kartada.

Read more...