SINABI ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na magiging huling opsyon para sa gobyerno ang pagpapalawig muli ng implementasyon ng martial law na nakatakda sanang magtapos sa Disyembre 31, 2018.
Idinagdag ni Esperon na tilakay ang isyu ng martial law extension sa isinagawang security cluster meeting na pinangunahan ni Pangulong Duterte.
“We have had discussion with that at national security cluster meeting..we still would like to think that the extension of martial law should be on last resort basis. kailangan hindi yun ang una nating iniisip. kailangan kung anong kailangan sa Mindanao,” sabi ni Esperon.
Sakaling palawigin, ito na ang pangatlong beses na pahahabain pa ang deklarasyon ng martial law sa Mindanao.
“We’re getting all feedback from Mindanao, study to be extensive,” dagdag ni Esperon.
Matatandaang ipinatupad ang martial law sa buong Mindanao matapos naman ang paglusob ng teroristang Maute Group at Abu Sayyaf sa Marawi.