Pawising aktor takot na takot maligo; na-trauma sa bathtub


MATIPID sa tubig pero masyado namang magastos sa pabango ang isang pamosong male personality.

Kahit nu’ng batambata pa siya ay palagi na nilang pinag-aawayan ng kanyang mga magulang ang regular na paliligo.

Tamad kasing maligo ang lalaking personalidad. Para siyang pusa na takot na takot nang nababasa. Pahirapan talaga ang pagpapaligo sa kanya.

Simulang kuwento ng aming source, “Kahit ngayong pamilyado na siya, hindi pa rin nawawala ang problema niya sa paliligo. Talagang wisik-wisik at naghihilamos lang siya kadalasan, hindi siya nagbabasa ng buong katawan niya.

“Wala siyang pakialam sa mainit na panahon. Maalinsangan na, napakasarap maligo, pero keber lang ang male personality. Kung bakit siya nagkaganyan, e, meron kunong kuwento,” simulang chika ng aming impormante.

Nu’ng bagets pa raw kasi ang male personality ay nagkaroon siya ng yayang masyadong pabaya. Walang kaalam-alam ang nag-aalaga sa kanya na nalulunod na pala siya sa malaki nilang bathtub.

“Yes, may bonggang bathtub nga sila sa house, yayamanin kasi ang male personality at sumikat siya talaga nu’ng bagets pa siya. Matindi ang inabot niyang kasikatan, nakasama niya sa pelikula ang mga pinakasikat na artista natin.

“Dahil sa nangyari sa kanya, e, natakot nang maligo ang male personality, napakatipid nga niya sa tubig, pero napakalaki naman ng gastos niya sa pagbili ng perfume.

“Wisik lang siya nang wisik ng pabango kapag lumalabas siya ng bahay. Dehins pa rin siya naliligo, takot pa rin siya sa tubig, kaya pabango na lang siya nang pabango.

“Masyuba pa naman siya, masyadong papawisin, pero pinanindigan na niya ang kawalan ng hilig sa paliligo dahil can afford naman siyang gumastos sa kahit anong klase ng perfume na gusto niya.

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, isang word lang ang babanggitin ko at siguradong mahuhulaan n’yo na kung sino siya!

“Para siyang bulak sa kaputian, pero nakakapag-wonder ang pagkatakot niya sa paliligo, ‘yun lang!” pagtatapos ng aming chikadorang impormante.

Read more...